Kostumer pumalag.. 2 masahistang nag-alok ng sex, kulong
- Mylene Alfonso
- Feb 17, 2020
- 1 min read

Timbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), ang dalawang lalaking therapists na nag-aalok umano ng ‘extra service’ sa mga parukyanong pumapasok sa kanilang wellness center, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Marben Jan Villavicencio at Edwin Fabunan, kapwa nasa hustong edad, habang nakatakas naman ang isang Francis Ambrosio Sy, nagtatrabaho rin sa DL’S Wellness Center na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Ayon kay PSMS Roderick Kabigting, isang walk-in complainant ang nagsumbong sa presinto kaugnay sa isinasagawang pag-aalok ng extra service ng mga suspek kaya agad na ikinasa ang entrapment operation.
Alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang pagsalakay sa establisimyento kung saan naaktuhan na magbibigay ng extra service ang mga suspek sa maliliit na cubicle ng wellness center na matatagpuan sa Bgy. 336, Zone 34 Sta. Cruz, Manila.
Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek. Ayon sa pulisya, ang ganitong extra service na ‘man-to-man’ ay isang paraan upang makahawa ng sexually transmitted disease.





Comments