Jones, Jr., dinaig si Gordon sa Slam Dunk NBA All-Stars
- ATD / MC
- Feb 17, 2020
- 2 min read

Ikinatuwa nang husto ni Miami Heat forward Derrik Jones, Jr. ang magandang araw na nangyari sa kanya bukod sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan nang magwagi siya sa All-Star Slam Dunk Competition kahapon sa NBA.
Hindi pinaporma ni Jones si Orlando Magic forward Aaron Gordon sa dinumog na showdown nilang dalawa at ikinaingay ng fans dahil sa dalawang tiebreaker jams ang dinaanan nila bago nakamit ang tagumpay.
Perpektong pareho na nakakuha ng 50 puntos sina Gordon at Jones dahil sa kani-kanilang mahuhusay na estilo ng dunks pagdating sa final. Perfect score din ang naitala nilang pareho sa kanilang unang nakamamanghang dunk-off.
Pero ganap na nagtapos ang kumpetisyon nang makadale si Jones ng saktong sa loob ng foul line na tirada nang gawin niya ang windmill jam gamit ang kaliwang kamay na may 48 puntos na iginawad naman ng panel ng limang hurado.
Nakipagtalo pa siya kay Hall of Famer Shaquile O’Neal pero natigilan na lang sila nang si Gordon naman ang nakakuha ng 47 puntos mula sa mga hurado.
Matatandaang nabigo si Gordon noong 2016 sa dunk contest nang manaig si Zach Lavine.
Samantala, imbes na nagkaroon ng NBA All-Star Game MVP award ay mas binigyang pagkilala sa programa ng kumpetisyon ang namayapang basketball superstar na si Kobe Bryant, ayon kay Commissioner Adam Silver.
Kakaiba o “synonymous” si Bryant ayon kay Silver sa naturang NBA All-Star dahil kinakatawan ng yumaong NBA superstar ang tunay na layunin ng pagdaraos ng All-Stars.
Kasamang nasawi ni Bryant ang anak na si Gianna nang mag-crash ang sinasakyang helicopter sa bulubundukin ng Los Angeles noong Enero 26.
Pinakabata si Bryant na naglaro sa All-Star Game sa edad na 19. Labing-walong beses na lumahok sa All-Star team mula sa paglalaro sa Los Angeles Lakers.




Comments