top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Pebrero 17, 2020 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Feb 17, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2020 (Lunes): Ipinanganak ka na kakambal mo na ang mayamang imahinasyon. Lahat ng nagtagumpay na ay gumagamit ng mayamang imahinasyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palaguin mo pa ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng mga bagong ideya na naglalabas-pasok sa iyong isipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-17-20-24-28.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malikot ang isipan mo ngayon. Dahil dito, maaaring magpasya ka nang hindi pinag-aralang mabuti. Bago kumilos, sumangguni ka muna sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-28-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Simpleng pagkilos ang susi para makuha mo nang mabilis ang mga gusto mo. Ang masalimuot at paliguy-ligoy na paraan ay pagsasayang lang ng mahahalagang mga araw mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-7-11-14-16-25.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang laman ng isipan mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Iwasan mong mag-isip ng mga negatibo, dahil muli, kung ano ang laman ng isipan mo ay ‘yun ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-39-43-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Aakalain mo na malakas ka at hindi ka basta-basta makapaniniwala. Pero mag-ingat ka, may mas malakas sa iyo na mandaraya kung saan kahit ang may tiwala sa sarili ay kanilang nabibiktima. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-16-29-30-33-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung anu-anong ideya ang maglalaro sa isipan mo. Para malinaw, laro lang ang mga ito kaya ‘wag mong seryosohin nang hindi ka magsisi. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-21-24-33-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mauungusan ka ng karibal mo dahil magiging abala ka sa walang kinalaman sa iyong ipinaglalaban. Pansamantala lang naman ito dahil muli kang mapupunta sa unahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-25-29-31-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo, pero huwag mong kunin ang hindi nakalaan sa iyo kahit pa mapaniwala ka ng iba na mas maganda ang kapalit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-14-16-22-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang ibon na nagtampo sa kasuyong ibon. Ihanda mo ang iyong sarili sa pagbabalik nang dati mong kasuyo. Sa pagkakataong ito, ang mas matatamis na sandali ang pagsasaluhan ninyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-24-28-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang sama ng loob mo at ang kahinaan mo ay muling lilitaw sa iyo. Nakatutuwa ang buhay, lalo na ang buhay mo dahil sa pagkakamali ay may ligaya ring nadarama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-26-27-36-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatangayin ka ng saya at ligaya kaya maraming bagay ang bigla mong makakalimutan. Ito rin ay nagbabalita na biglang masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa ibang kandungan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-18-20-21-23.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ang isipan mo ngayon kung saan kaya mong paniwalain ang isang akala niya ay hindi niya babaguhin ang kanyang paninindigan. Nakagugulat dahil kayong dalawa ay magiging isa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-26-27-35-38.

Valentine date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page