DepEd aminado.. ‘Di marunong magbasa, dumami
- BRT
- Feb 17, 2020
- 1 min read

Nababahala na ang Department of Education (DepEd) sa mataas na bilang ng mga estudyante na hindi marunong magbasa.
Base sa talaan ng DepEd, aabot sa 70,000 estudyante ang nasa kategoryang “no readers”.
Kaugnay nito, inatasan na ng ahensiya ang lahat ng mga guro at school heads na pagtuunan ng pansin ang reading proficiency program.
Matatandaang, una nang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na rerebyuhin na ng DepEd ang implementasyon ng K to 12 program.





Comments