top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa side mirror na nasagi.. Truck driver hinataw ng tire wrench sa ulo ng kapwa drayber

Maeng Santos
Feb 17, 2020
1 min read

Arestado ang isang truck driver matapos hatawin ng tire wrench sa ulo ang kapwa driver makaraan ang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na si Alexander Malagamba, 25, ng Sta. Rosa, Laguna.

Ala-1:40 ng hapon, kapwa nakaparada ang minamanehong trak ng biktimang si Teoro Padayhag, 46, ng Bagbag, Quezon at ng suspek sa emergency parking ng NLEX westbound, Mindanao Avenue, Bgy. Ugong, ng lungsod.

Bumaba sa minamanehong trak ang biktima at kinompronta ang suspek hinggil sa kanang side mirror ng kanyang truck na nasagi ni Malagamba na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng tire wrench ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima na naging dahilan upang tumakbo subalit, hinabol pa rin ito ni Malagamba.

Dumating naman ang mobile road way security ng NLEX sa naturang lugar at inaresto ang suspek saka itinurnover sa security guard ng NLEX bago binitbit sa himpilan ng pulisya habang dinala naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center para magamot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page