Dagdag-bawas sa presyo ng gas
- Gina Pleñago
- Feb 17, 2020
- 1 min read

May nagbabadyang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 30 sentimos hanggang 40 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang may bawas-presyo o rollback na P0.05 hanggang 10 sentimos naman sa diesel at kerosene.
Ang napipintong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay kaugnay ng pagbabago sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan at epekto ng pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19) sa China.





Comments