top of page
Pokwang.jpg

Bangkay ng biktima ng pagputok ng Bulkang Taal, natagpuan

V. Reyes
Feb 17, 2020
1 min read

Nadiskubre ang bangkay ng isa umanong biktima ng pagputok ng Taal Volcano sa bahagi ng bulkan na sakop ng bayan ng San Nicolas sa Batangas, nitong Sabado.

Alas-12:30 ng tanghali nang makita ang katawan ni Marlon Deteral, na una nang iniulat na nawawala makaraang sumabog ang bulkan noong Enero 12.

Ayon sa paunang ulat ng CALABARZON Police, natagpuang nakabaon sa putik sa Isla ng Taal ang biktima.

Isang may-ari ng flatboat na naghuhukay ng kanyang bangka na natabunan din ng putik ang nakakita sa biktima.

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ni Deteral na saktong kaarawan din nito nang matagpuan ang kanyang bangkay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page