498 binabantayan sa COVID-19 — DOH

Nadagdagan pa ang bilang ng persons under investigation (PUI) sa bansa. Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang February 16, nasa 498 PUIs ang posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 159 PUIs ang nananatili pa rin sa ospital habang 336 ang nakalabas na.
Pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 93 admitted PUIs at 72 ang na-discharged. Sinundan ito ng Central Luzon na may 9 admitted PUIs at 48 naman ang discharged.
Samantala, pumalo na sa 1,662 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19. Nabatid na sa Hubei Province lamang, 139 na bagong kaso ng mga nasawi ang naitala kahapon.
Sa ngayon, aabot na sa 68,000 ang infected ng coronavirus sa China. Isa sa mga hakbang na ginagawa ng China ay ang pag-disinfect sa kanilang pera.





Comments