top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Road to Triple Crown Trophy Race sa MMTCI

  • Ding Taboy
  • Feb 16, 2020
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang Menchie A. Abalos, Road to Triple Crown Trophy Race na paglalabanan ng limang kalahok sa pagpapatuloy ng Mandaluyong Liberation Day Racingfest sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI), sa Malvar, Batangas.

Kasabay nito, bibitawan din ang 1st District Councilor Sprint at 2nd District Councilor Trophy Race. Maghaharap sa Abalos-RTC trophy race ang mga kalahok na Heneral Kalentong, Radio Gaga, Lucky Savings, Parokya ni Paolo at Maysilo.

Nakalaan ang P750,000 sa nasabing karera na mapupunta ang P450,000 sa 1st place, P168,750 sa 2nd place, P93,750 sa 3rd place at P37,500 sa 4th place. Maghaharap sa 1st District Councilor sprint ang National Pride, Hidden Light, Certain to Win, Yalla, Pinagtipunan at Senior Lucas na may premyong P300,000 na hahatiin sa unang apat na makatatawid sa finish line.

Sa 2nd District Councilor trophy race maghaharap ang mga kalahok na Francesca Fire, Adobo Country, Space Jam, couple entry na Cambari Island at Tumalog Falls at Correct Ka Diyan, nakalaan ang P300,000 sa apat na unang makatatawid sa finish line.

Kasabay nito magaganap ang dalawang Winner Take All (WTA) dalawang Pick 6, tatlong Pick 5 at Pick 4. Sa Race 1, umpisa ng 1st WTA at carry over ng P1.3-M at maglalaban ang One More One More, Zenzazional atbp. Nabighani at Race 2, ipinapatok ang Take Advantage habang may tsamba ang Celebrity.

Sa Race 3 maglalaban ang mga kalahok na Senor Lucas, Certain to Win at Pinagtipunan habang sa Race 4 simula ng 2nd WTA nakalalamang ang Born In April habang ang Sir Rik, Security Pass at Dancing Partner ay magkakalaban.

Sa 2nd Pick 5 sa Race 5 labanan ng Heneral Kalentong at Lucky Savings sa Race 6 na labanan na umaatikabo sa pagitan ng Sari Baby, Hanapin Mo at Makaarem at Turns Gold.

Sa Race 7 simula ng 2nd Pick 6 nakalalamang ang couple entry na Six One Six at Clementine habang ang Union Run at Wiling Willie habang sa Race 8 nakalalamang ang Space Jam at makakalaban ang Francesca Fire ng 3rd Pick 5.

Sa Pick 4 na gaganapin sa Race 9, maglalaban ang Gee Prize, Laughing Tiger, at couple entry na Classic Star at Eugene’s Fly Away, habang sa Race 10, magkakalaban ang The Best Ever, Happy Maggy at Gintong Lawin. Sa Race 11, nakalalamang ang Pano mo Nasabe habang makakalaban ang Board Walk at Race 12 nakalalamang ang Ack at Best Regard ang magkakalaban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page