Nag-sorry na, Mariel, ngayon may pasabog uli… Robin, ibinulgar ang mga taga-dos
- Vinia Vivar
- Feb 16, 2020
- 4 min read

Nagsagutan sa social media sina Robin Padilla at Ethel Espiritu, Dreamscape’s Digital Head of Content dahil sa mga recent posts ng aktor na tinutuligsa ang ABS-CBN regarding franchise renewal.
Sa unang post kasi ni Binoe sa Facebook last Thursday ay hinamon niya ang mga kapwa-artista ng ABS-CBN at GMA-7 na ipakita ang kontrata para magkaalaman kung gaano kalaki ang kinikita ng mga ito compared sa mga maliliit na hindi regular employees.
Ipinunto ni Robin ang regularization at tamang benepisyo’t suweldo para sa maliliit na empleyado ng network. Pero kinabukasan naman ay nag-apologize si Binoe at sinabing naging mapusok lang siya’t nadala lang ng emosyon.
Hindi naman nakapagpigil ang Dreamscape executive at sinagot si Binoe sa Twitter last Friday din matapos mag-apologize ang aktor.
Sunud-sunod ang sagot ni Miss Ethel sa Twitter.
Aniya, “Angel Locsin best said it, ‘Think before you click’. You cannot post something then blame it on being the ex-convict in you that overtook your emotions, Mr. Robin Padilla. It’s either panindigan mo ang misplaced emotions mo or never post at all. Ganu’n lang ‘yun.
“Ganito na lang, mahabang panahon ka rin nagtrabaho sa ABS-CBN (kasama ang asawa mo, kapatid mo, mga pamangkin mo at ang tinatawag namin nu’ng Kamag-anak Corp.) sa haba ng panahon na ‘yun, if me napansin ka na palang mali sa pamamalakad, esp. sa mga trabahador, bakit hindi mo ipinaglaban?
“Isa pa, kontrata pala ang hamon mo. Napakalaki ng per taping day sahod mo. Kung talagang makabayan at makatao ka, eh, di dapat pala ishinare mo sa kanila ang blessings mo. Lahat ng issues mo, dapat pala nu’n mo pa ipinaglaban. Sa’n ka nu’n? Sino ang presidente nu’n? Ahhh. Okay. Noted.
“Last, quo warranto ang issue, bakit nalihis ka sa issue? Ahhh. Okay. Makabayan ka, ‘di ba? Panindigan mo ang real issues ng bansa natin. Let us practice what we preach.
“Du’n sa 4 na tinawag akong bobo at tanga, para sa inyo po ito. Robin and I know each other since 1991. And so with the other Kapamilyas, he has worked with in ABS-CBN. Marami siyang shows na ginawa. We always welcome him, we consider him family.
“If he says he is pro-renewal. Thank you. Pero meron pala siyang ibang issues, bakit nakasabay? ‘Di ba dapat ibang usapan na ‘yun? Or let DOLE handle it? ABS-CBN always takes accountability. We will take accountability if me complaint. Sabi nga niya, no one is above the law.
“And we agree. Kaya nalulungkot kaming Kapamilya niya. Puwede naman niya kaming kausapin. Marami siyang kaibigan sa amin kahit magkakaiba kami ng pinapaniwalaan at pinapanindigan sa buhay. ‘Yun lang. Hindi ako bobo, at hindi rin ako tanga. Kahit tanungin n’yo pa kay Robin Padilla.
“You can give your opinion, but no name calling and cursing. Hahaha, BLOCKED ka. Kaya hindi tayo umasenso, eh, hindi tayo makapagdiskurso nang maayos.
“Maraming salamat sa inyong suporta. I never thought we’d get so much and that it would escalate. I am emotional. ABS-CBN has been my home for 28 years. And this makes me more sad knowing with my answers, I might have hurt people too. I just had to make a stand.
“Sabi ko nga, Robin and I have known each other for almost all of my ABS-CBN life, he is a Kapamilya. His manager is a friend. And family should not hurt each other, but lift each other. In good times, and esp. in very challenging times. Have a peaceful weekend everyone.”
Kahapon ay sumagot naman si Robin kay Ethel sa kanyang Facebook and Instagram account. Aniya, “God is great! Ma’am. Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga ABS-CBN, batid nila ang aking pagtulong sa mga empleyado nito lalo sa pambili ng gamot, libing ng patay, utang na hindi mabayaran, pagpapaopera ng anak na may butas sa puso, etc., etc..
“Ma’am Ethel, pakitanong mo sa set ng Sana Dalawa Ang Puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non-regular employees ng ABS-CBN, walang iba kundi si Ma’am Gina Lopez. Mahigit isang oras kaming nag-usap pati ang patungkol sa housing ng mga non-regular employees.
“At sa ‘yo Ma’am Rocky Ubana, batid ba ng mga boss mo sa ABS-CBN na ikaw mismo sa panahon ko ay sub-contractor ng tent? Magkano ang suweldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Rehistrado ba ‘yung agency mo? Alam ba ng DOLE na may mga laborers ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo?
“Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag-usapan dahil magri-renew ng franchise ang ABS-CBN. Ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kanyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground.
“Ganu’n po talaga mga ma’am ang negosasyon sa mga multi-billion companies na may labor issue. Hindi ko naman po ‘yan imbento, may mga kaso po sa Korte patungkol sa mga empleyado ng ABS-CBN.
“At patungkol naman sa mga artista na kamag-anak ko, maraming salamat po sa trabaho na naibigay n’yo sa kanila. Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila. May sarili silang mga isip at buhay, they can join you in bashing me, it’s their right.
“I will be forever thankful to ABS-CBN and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor, ‘yun ang harapin natin, ‘wag nating daanin sa drama. I already apologized pero kung gusto n’yo pa, walang problema sa akin. We can run the whole marathon.”
Well, pareho namang may ipinaglalaban ang magkabilang panig. Robin is just voicing out his concerns pero dahil dito ay may mga nasasaktang tao na hindi mo naman masisisi dahil sa sitwasyon nga ngayon at medyo emosyonal ang lahat ng involved at apektado.
At the end of the day ay magkakatrabaho sila at dapat ay nagkakaisa sila sa mga problema ng industriya.





Comments