Love from dyowa? No, thanks! Mga puwedeng gawin para maipakita ang pagmaamahal sa sarili
- Jersey Sanchez
- Feb 16, 2020
- 2 min read

Tapos na ang Valentine’s Day, kaya naman tapos na ring manakit ang mga mata ng ilang single na hindi nagkaroon ng ka-date. Ha-ha-ha!
Well, hindi porke karamihan ng masasaya ay couples, eh, dapat nang mapag-iwanan ang mga single, dahil bukod sa pagmamahal sa pamilya at kaibigan, ‘wag nating kalimutan ang pagmamahal sa ating sarili o self-love.
Kaya mga besh, narito ang ilang self-care acts na puwede nating gawin ngayong Pebrero:
PAMPER NIGHT. Haggard ka na ba sa trabaho at pagko-commute araw-araw? Ngayong love month, ‘wag kalimutang ibigay sa iyong sarili ang love na deserve mo sa pamamagitan ng pamper night. Magpa-massage, manicure at pedicure at mag-skin care para fresh na fresh ka kinabukasan.
MAGHABOL SA TULOG. Kahit gusto natin ng date o regalo, the best pa rin ang kumpletong tulog. Agree? Dahil self-care ang pinag-uusapan, ibig sabihin, kailangan nating alagaan ang ating sarili at kalusugan. Kaya naman, kung nakakapagod ang araw-araw na pagtatrabaho, iregalo mo na ‘to sa sarili mo.
MAKIPAG-BONDING SA PAMILYA. ‘Ika nga, hindi lang naman pang-magdyowa ang buwan na ito dahil puwede mong ipagdiwang ito kasama ang iyong pamilya. Iparamdam mo ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila sa simpleng paraan tulad ng panonood ng pelikula, magluto o mamasyal.
MAGLUTO PARA SA SARILI. Masarap na pagkain, wine at romantic playlist, perfect date, ‘di ba? Well, hindi lang ito pang-magdyowa dahil puwede mo rin itong gawin kahit single ka. Wala ka mang ka-date noong V-Day, puwede mong i-date ang iyong sarili kapag may free time ka. Who needs a dyowa kung puwede ka namang mag-"me" time? He-he-he!
MAG-SHOPPING. Aminin na natin, kailangan din nating mag-shopping kahit paminsan-minsan para sa ating sarili. Dapat ding ma-update ang mga gamit natin mula sa mga damit hanggang sa gamit sa bahay.
Hindi lang tungkol sa mga magdyowa ang pagmamahalan dahil mahalagang bahagi rin ng pagmamahal ang self-love.
Sa halip na maging taga-“sana all”, maging masaya tayo para sa iba at ibahagi ang pagmamahal na mayroon tayo. Gets mo?





Comments