top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kontrabando sa customs at illegal drugs, COVID-19 lang pala ang makakapagpa-stop

Ka Ambo
Feb 16, 2020
1 min read

Bumaba na ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa China.

Iyan ang ipinamamalita ng Beijing.

◘◘◘

NAGBUBUGA na naman ng makapal na usok ang Bulkang Taal.

Balik-Batangas ang media.

◘◘◘

BINAWI na ang travel ban sa Taiwan.

Natakot sila sa bantang boykot kontra Pinoy.

◘◘◘

BUBUWAGIN na rin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng US.

Nagtatalon sa tuwa ang CPP-NPA.

◘◘◘

LUMINDOL sa Batanes.

Huh, ninerbiyos ang mga turista.

◘◘◘

NALULUGI ang aviation at tourism industry sa buong daigdig.

Ang epekto nito ay mararamdam sa Hunyo, Hulyo at Agosto.

Maghigpit ng sinturon.

◘◘◘

PINASABOG ng mga pasaway na paslit ang isang bungkos na lobo ng isang vendor.

Ang resulta: Sumabog ang hydrogen sa mukha ng pobreng tindero.

◘◘◘

DUMAMI ang biktima ng COVID-19 sa isang cruise ship na nakadaong sa

Japan.

Kahit ang ubod nang yaman ay hindi sinasanto ng virus.

◘◘◘

NATIGIL na ang pagpupuslit ng kontrabando sa Customs.

Kasi karaniwang nagmumula ito sa China.

Natakot ang mga ismagler na mahawa sila.

◘◘◘

INAASAHANG mawawalan ng suplay ng shabu sa Pilipinas.

Bakit? Kasi ang mga Chinese drug lord ay nagtago muna dahil sa takot sa COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page