top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Inindiyan ng ka-Valentine.. 54-anyos nag-amok, pumatay ng kapitbahay

  • Paul Lamsen
  • Feb 16, 2020
  • 1 min read

Tinutugis na ng mga alagad ng batas ang 54-anyos na lalaki makaraang pagtatagain nito ang 74 years old na kapitbahay sa Pangasinan.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Rogelio Maceda, 74, habang ang suspek ay si Danilo Hacerda, 54, walang asawa.

Ayon sa imbestigasyon, maghapong naglasing ang suspek matapos hindi siputin ng inaasahang ka-Valentine.

Una ay nagwala ang suspek sa kanilang bahay, nagbasag ng mga salamin at sinunog ang isang bahay-kubo.

Hanggang sa naghamon ng away sa kalsada at nilapitan ang nakaupong biktima saka pinagtataga sa ulo.

Nabatid na may kasamang ibang lalaki ang kasintahan nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page