top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 16, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 16, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2020 (Linggo): Kumikilos ang iyong kapalaran para sa lalong ikagaganda ng iyong kalagayan. Sa huli, mapabibilang ka sa mga may masaganang buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka at huwag mong pagdamutan ang sarili mo dahil lahat ng tao ay may karapatang lumigaya. Hindi makagaganda sa iyo ang maalipin ng pagmamahal sa materyal na bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-26-36-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip sa plano mong simulan na ang pagpapaunlad ng iyong buhay. Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para rito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-27-34-36-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Kailangang mawala ang dapat mawala nang sa gayun ay makapasok ang dapat pumasok. Wala kang dapat panghinayangan, pero mayroon kang dapat ipagsaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-18-29-33-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Biglaan ang paglakas ng iyong karisma. Nakagugulat dahil ang mga walang interes sa iyo ay magnanasa na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-26-32-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapupuno ang kaban-yaman mo kapag nagawa mong tulungan ang isang hindi ka kakilala na alam mong nangangailangan ng alalay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-24-28-34-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging kasangkapan ka ng langit kung saan ikaw ang tagapagpaliwanag sa mga bagay na gumugulo sa buhay ng tao. Bigyan mo siya ng positibong pananaw sa buhay. Gawin mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-25-28-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo hahabulin ang umalis? Siya ay tiyak na magbabalik at ang nakatutuwa pa, siya ay magsisisi at aaminin na nagkamali siya ng pinuntahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-20-26-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang malapit at palaging nagsasabi sa iyo ng kanyang mga hinanakit sa buhay, siya ang magiging bahagi ng buhay mo sa mahabang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa alam mong may hindi magandang bisyo. Ang pagdikit sa kanya ay magiging kapintasan mo at mas maganda pa wala na kang kasama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-16-21-26-32-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buksan mo ang puso at damdamin mo na sa handang samahan ka sa paglalakbay mo at pakikipagsapalaran sa mundong iyong ginagalawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-22-25-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang palaging mangyayari sa iyo dahil ang totoo, hindi ka isinilang para mabuhay sa kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-24-26-31-33-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nahihirapan ka, gumawa ka ng paraan para makatakas ka. Hawak mo ang kapalaran mo kaya walang dahilan kung bakit magdurusa at magtitiis ka sa pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-21-25-27-32.

Valentine date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!

Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.

Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.

Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page