Travel ban sa Taiwan, tinanggal na

Itinaas na ng Pilipinas ang pinataw na travel ban sa Taiwan, kahapon Biyernes (Feb 14, 2020). Ikinatuwa naman ito ng tourism official, dahil mababawasan umano ang epekto na dulot ng coronavirus sa tourism industry ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na alisin ang travel restriction sa Taiwan dahil umano sa mahigpit na pagbabantay at pagresolba ng bansa laban sa pagkalat ng COVID-19.
Matatandaang isinama ang Taiwan sa travel ban noong Feb. 2 na kasama ng China at iba pang karatig na rehiyon nito tulad ng Hong Kong at Macau, para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.
Ayon pa kay DOH Spokesperson Eric Domingo, isinama ang Taiwan sa naturang travel ban dahil ikinokonsidera itong parte ng bansang China ayon sa World Health Organization.





Comments