top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa labas ng Baclaran Church.. 11 katao at 4 na sasakyan, inararo ng SUV

  • Gina Pleñago
  • Feb 14, 2020
  • 1 min read

Photo: Henry Liao

Sinuyod ang 11 katao at inararo ang apat na sasakyan ng Sports Utility Vehicle (SUV) na nawalan umano ng preno sa harap ng Baclaran Church, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Dinala sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Leo Sabelano, Marilyn Lucero, Elizabeth Lidangco, Francis Blando, Rosemarie Hapson, Bryan Qualis, Divine Grace Lumang, Analyn Rupersado, Sepronio Gandill, Cherry Bee Blando at Paldo Frances Padu, pawang nasa hustong gulang na nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang driver na si Allan Respecia, ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ng Parañaque City Traffic Bureau, nangyari ang insidente sa harap ng gate ng Baclaran Church, Redemptorist Road, Bgy. Baclaran, alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay Police Major Jolly Soriano, minamaneho ni Respecia ang Toyota Fortuner at habang binabaybay nito ang nasabing lugar, hindi nito nakontrol ang preno kaya nabangga nito ang ilang pedestrian na galing sa pagsisimba at ang mga vendor sa lugar.

Sa tindi ng impact, nabangga rin nito ang apat na sasakyan. Patuloy na ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page