top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga biktima sa Taal, kaialangan ng pera

  • BRT
  • Feb 14, 2020
  • 1 min read

Nanawagan ng tulong-pinansiyal ang alkalde ng Taal, Batangas para magamit sa rehabilitasyon ng mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Mayor ‘Pong’ Mercado, bagama’t, patuloy ang dating ng mga relief good, mas makatutulong umano kung pera ang matatanggap mula sa mga donors.

“We need money, pakapalan na ng mukha, ang ibig kong sabihin, ang gusto kong maibigay na sa mga kababayan ko ay ‘yung pang-umpisahang pera,” ani Mercado.

Paliwanag ng opisyal, makatutulong ito bilang puhunan o pampagawa ng bahay.

Kasunod naman ng paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang dahilan para magpakampante matapos ibaba sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, tiniyak naman ni Mercado na palagi silang nakaalerto.

Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Café, sinabi ng alkalde na nakahanda na ang mga sasakyang gagamitin sa paglikas ganundin ang mga ligtas na lugar kung saan dadalhin ang mga residente.

Samantala, 97 porsiyento nang balik-operasyon ang mga establisimyento, trabaho at eskuwela sa Taal at maaari na rin aniyang muling pasyalan.

Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ng lokal na pamahalaan ang mga magiging plano ng national government para sa rehabilitasyon.

Sa nasabing pulong-balitaan, personal namang iniabot ni Fruitas Holdings, Inc. Founder Lester Yu ang P100,000 cash at P100,000 halaga ng mga tubig at juice bilang donasyon sa munisipalidad ng Taal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page