Horoscope | Pebrero 14, 2020 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 14, 2020 (Biyernes): Kayang-kaya mong mapaunlad ang iyong sarili, pero huwag mong sayangin ang lakas mo para lang talunin ang mga kontrabida sa buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magplano ka at makukuha mo ang mga gusto mo. Huwag mong tularan ang iba na kilos nang kilos, pero walang tukoy na direksiyon ang mga pagkilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, humingi ka ng payo sa mas may alam kesa sa iyo. Ito ay para maiwasan mo ang kanilang hindi magagandang nararanasan. Huwag mong isipin na sapat na ang iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-26-29-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagsasayang lang ng lakas ang nagmamadali na wala namang tiyak na gustong gawin. Bago mo isagawa ang pagsugod dahil kailangan mo, ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-27-28-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo ang pinakamahigpit mong kalaban. Nangyari na ito sa nakaraan nang ikaw ay matauhan kaya inayos mo ang iyong mga pananaw at ikaw ay nagkaroon ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-22-25-30-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi mo agad makuha ang gusto mo, mamahinga ka muna. Muli kang kumilos at makukuha mo na ang mga gusto mo. Ang taong sobrang gigil na gigil ay kadalasang nabibigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-22-25-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumikat ang mga bituin at ikaw ay isang bituin. Sa pagsikat mo, panatilihin mo ang kalinisan ng iyong pagkatao nang sa gayun ay kaligayahan ang magiging kakambal ng iyong kasikatan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-19-26-27-30-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka na para bang ikaw ay masaya kahit sa totoo lang ay may iniinda kang personal na problema. Balikan mo ang iyong nakaraan na nagsasaya-sayahan ka para gumanda ang mundo mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-27-29-33-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinabalita ng araw na ito na ang mga bituin ng iyong kapalaran ay kumikilos sa iisang musika na nagsasabing ang magagandang bagay sa buhay mo ay mabilis na magdaratingan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-18-23-30-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makakaporma ang kontrabida sa buhay mo, pero pansamantala lang dahil ikaw pa rin ang mananaig sa huli at siya ay matutuliro sa kanyang masaklap na pagkatalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-24-26-32-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas sa mga taong nagmamahal sa iyo. Gawin mong inspirasyon sa buhay ang kanilang pagmamahal dahil sa ganitong paraan, walang bagay sa mundo na hindi mo makukuha. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-29-30-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dating at lisan ang mga suwerte ng bawat tao. Sa iyo ay ganito rin, kaya lang, ang masayang balita ay nagsasabing ang pagdating ng mga suwerte mo ay magtatagal sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-22-27-34-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ay may problema, pero hindi lahat ay sumusuko dahil lang sa hindi malutas na mga suliranin. Ituloy ang pangarap mo kahit may hadlang sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-21-25-27-34.

Valentine date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus, extended!
Good news sa mga gusto pang humabol sa Date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus! Dahil abalang araw po ang Feb. 14 para sa mga taong nag-iibigan, napagdesisyunan po ng pamunuan ng BULGAR na i-postpone ang ating Valentine promo at ilipat ito sa Feb. 29, Sabado, 2 to 5 PM, nang sa gayun po ay maiwasan nating maabala ang mga may naka-schedule nang Valentine date sa mismong Araw ng mga Puso.
Para sa mga gusto pang humabol at sumali sa aming Valentine promo kung saan makaka-face-to-face sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus para basahin nang LIVE sa BULGAR Facebook page ang iyong kapalaran ngayong 2020, narito po ang mechanics…
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR newspaper hanggang February 25, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com. Puwede rin itong ipadala thru BULGAR Facebook Messenger, Twitter (@bulgarofficial) at Instagram (bulgar_online) account o ihulog ang sulat na naglalaman ng inyong impormasyon, piktyur ng guhit ng palad at selfie na may hawak na BULGAR newspaper sa 538 Quezon Avenue, QC.
Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa Feb. 29 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa BULGAR FB Live sa February 29, 2 to 5 PM at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!




Comments