top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Besh, ikaw ba ito o may kilala kang ganito? Tawag sa love na mas mahal ang sarili kaya ayaw makipag-

Sr. Socrates Magnus II
Feb 14, 2020
2 min read

Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa iba’t ibang klase ng pag-ibig o love.

Narito ang iba pang klase ng love:

1. Agape – ito ang pag-ibig na walang kondisyon na hinihingi bilang kapalit. Ang Agape ay kadalasang iniu­ug­nay sa pag-ibig ni God sa tao. Isang pag-ibig na wa­lang hanggan na nasa sali­tang, “Sapagka’t ganu’n na lang ang pag-ibig ni God sa mga tao.” Ang salitang Ta­galog na “gayun na lang” ay nag­sasabing hindi masukat, as in, dahil walang sukat o hangganan, ito ang “wa­lang hanggang pag-ibig”.

2. Eros – ito rin ay tulad ng Agape na nasu­sulat sa Sagradong Ak­lat dahil ito mismo ang love na pinagsa­luhan nina Adam and Eve sa Paraiso. Ang Eros ay sa­litang Gri­yego kung saan ginamit sa Greek Bible para sa pag­mamahalan nina Adam and Eve.

Akala ng iba, ang Eros ay sexual love or sex lang ang namama­gitan, as in, sexual desire ang malakas na puwersa sa dala­wang nagmamahalan.

Sa biglang tingin, pa­rang totoo ang ganitong pananaw, pero sa mahigpit na basehan ng salitang “eros”, ito ay hin­di sex lang dahil ito ay “love and sex”. Ibig sabihin, da­lawa ang sangkap ng erotic love at dahil dalawa, hindi pu­wedeng isa o sex lang da­hil love and sex ang tunay na kahulugan nito.

Medyo maselan kung paano ito ipi­naliliwanag dahil maraming tao ang nag-aakalang sexual love ang erotic love.

Para kahit paano ay may makuha tayong kato­toha­nan, unawain natin na kapag sex lang, ito ay pilit dahil sex lang, pero ang tao ay hindi naman nag­tatalik kapag nag­mama­halan nang dahil lang sa sex.

Dahil bago ang sex ay kailangang nagmamaha­­lan muna ang babae at la­laki. Kaya ang erotic love ay hin­di love na ipi­nilit lang dahil sa sexual desire. Sa ga­nitong kato­tohanan, ang love sa pa­gitan ng mag-asawa ay papasok sa depinisyon ng erotic love.

3. Philia – ito ang tina­tawag na friendly love na nagmula sa brotherly love kaya makikitang ito ang love na nasa utos na, “ma­halin mo ang kapwa mo” na naka­kapit sa paniniwa­lang ang lahat ng tao ay magkakapa­tid. Tinawag ito na friendly love upang hindi maiugnay sa erotic at agape love.

4. Philautia – ito ang self-love o pagmamahal na makasarili, kaya ito rin ang pagmamahal sa sarili. Ang ganitong pag-ibig ay ma­hi­rap makita, pero may ilan din na nakatuklas ng ga­nitong klase ng pag-ibig.

Ang kongkretong ha­lim­bawa nito ay ang ba­bae na ayaw ng sex dahil mahal niya ang kanyang sarili.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page