top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ABS-CBN, bayad daw sa BIR, gustong ipasara… Hirit ni direk Laurenti Dyogi: POGO, P50 bilyon ang utan

  • Ronalyn Seminiano
  • Feb 14, 2020
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Nag-post sa Facebook ang head of TV Production ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi hinggil sa napipintong pagpapasara sa nasabing istasyon.

Aniya, “Nakakalungkot isipin na may mga taong nag­nanais maipasara ang isang kompanya na nagsi­silbi sa publiko sa loob ng 65 taon. Mas mahaba pa sa ano mang administrasyon sa ating bansa.

“'Di perpekto ang ABS-CBN bilang isang kom­panya pero sa loob ng mahabang panahon, pilit naming pinag­bubuti ang aming serbisyo sa pagbibigay ng mga prog­rama at balita, at sa pagtulong sa kapwa.

“'Di man lahat tumatangkilik sa ABS-CBN, marami pa rin kaming napapasaya, natutulungan at nabibigyan ng pagkakataon na mapabuti ang buhay, sa likod man o harap ng kamera.”

Maraming netizens ang nagtataka kung bakit walang nagaganap na rally kung totoong maipapasara ang ABS-CBN. Sa FB post ni Laurenti ay sinagot din niya ang tungkol dito.

Aniya, “Ba’t daw ‘di kami lumalaban? Mag-rally at makibaka? Kasi bago namin maisip ‘yun, kaila­ngan mu­nang unahing gawin ang pagbuo ng mga programa sa araw-araw, dahil ‘yun ang obligasyon namin sa aming mga manonood.

“Maraming ibinabatong isyu laban sa kompanya. Mga isyung madali naman bigyan ng linaw kung paki­kinggan lang na bukas ang isip at damdamin.

“Nais namin na sa tamang lugar at panahon makapag­hain ng aming mga sagot sa anumang akusasyon sa kom­panya. Umaasa pa rin kaming mabigyan man lang ng pagkakataong makapagpaliwanag sa Kongreso. Pero gusto ko nang magsabi ng saloobin hinggil sa ilang mga batikos.”

Sinagot niya ang akusasyong hindi raw nagbabayad ng buwis ang ABS-CBN.

Sey ni Laurenti, “DI RAW NAGBABAYAD NG BUWIS. Ako bilang mamamayan at empleyado ng ABS-CBN, ma­laking bahagi ng sahod ko ang napupunta sa gobyerno bu­wan-buwan. Bawat isang empleyado namin ay nag­ba­bayad ng tamang buwis dahil ang kompanya mismo namin ay nagbabayad ng tamang buwis.

“Walang utang ang ABS kasi kung meron, ba’t walang reklamo ang BIR? Ba’t binigyan ng parangal na isa sa top taxpayer ng bansa? Pero sa reklamo ng BIR na ang mga POGO, 50 bilyong piso ang kulang na buwis, ba’t walang umaalma?”

Maging ang foreign partnership na nagaganap diu­mano sa Kapamilya Network ay nilinaw din niya.

Aniya, “PAG-AARI NG DAYUHAN. Sana alaming mabuti ang detalye ng PDRs bago manghusga dahil du­maan ito sa tamang proseso at aprobado ng SEC. Bakit ang mga POGO, ‘di ba’t buong-buo na pag-aari ng mga dayuhan? Ba’t walang naririnig na reklamo? Bakit kung sino pa ‘yung kababayan, s’yang ginigipit?

“Nakakalungkot na nauuwi tayo sa pagkakahiwa-hiwalay sa panahon na may panganib ng kalamidad at epi­demya. Pero kailangang isantabi ang damdamin para makapagpatuloy sa pagsilbi sa mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Pero higit sa lahat, nais kong magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon, suporta at lakas ng loob sa amin.”

Sa totoo lang, may punto si Direk Laurenti Dyogi lalo na tungkol sa issue ng POGO na bukod sa pag-aari ng dayuhan at bilyones na pagkakautang sa gobyerno ay naging maingay din dahil sa mga diumano’y illegal na gawain.

Kung sinisikap ng pamahalaan na maipasara ang ABS-CBN, sana ay aksiyunan din nila ang POGO at huwag mag­bulag-bulagan at tapakan ang kaya lang nilang bang­gain, just saying.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page