Welcome to the team! Pacman at McGregor
- Gerard Ace
- Feb 13, 2020
- 2 min read

Tila bahagyang lumilinaw ang maaaring susunod na makakalaban ni eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao matapos nitong piliing pagkatiwalaan ang kumpanyang may hawak kay mixed-martial arts superstar Conor McGregor.
Ito’y kasunod ng pagpirma ng 41-anyos na boxing superstar sa Paradigm Sports Management na siyang magmamaniobra sa mga huling panahon nito sa kanyang karera sa boxing ring.
Maligayang inanunsiyo ni Paradigm Sports founder at president Audie Attar sa kanyang social media account ang pagpasok ng fighting Senator sa kanilang pamilya, na sila ring humahawak sa mga kilalang MMA fighters at American Football players na sina Cristiane “Cyborg” Juetino, reigning UFC Middleweight World Champion Israel Adesanya, dating UFC middleweight champion Michael Bisping, Bellator contender Michael Page, at UFC contender Stephen Thompson.
Ngunit, mas pinatindi nito ang karera ng kontrobersyal na MMA fighter at one-time boxing combatant na si McGregor na nakilala sa bansag na “The Notorious”. “Incredibly proud to announce that @ParadigmSM is officially representing Manny Pacquiao. I’d like to thank everyone involved in this, including our partners Arnold, Ping, Atty Brando, Jayke and the rest of Team Pacquiao back in Manila. Cannot wait to work together,” wika ni Attar. ”One thing I want everyone to remember is to always think positively. Never think negatively; that is the beginning of your downfall. Everything is possible.”
Malugod ding binati ni McGregor ang pagpasok ng World Boxing Association (WBA) welterweight champion sa pamilya ng Paradigm Sports, kung saan noong nakaraang buwan ay nagpahayag ito ng pagnanais na muling makalaban sa ibabaw ng boxing ring matapos malasap nito ang unang pagkatalo sa boxing mula kay retired-undefeated Floyd “Money” Mayweather noong Agosto 26, 2017 via 10th round technical knockout sa Las Vegas, Nevada. “Welcome to the team Emmanuel,” sambit ni McGregor sa kanyang social media account.





Comments