Travel ban wa’ epek sa COVID-19 outbreak — WHO

Nanindigan ang World Health Organization (WHO) na hindi sila magrerekomenda ng pagpapairal ng travel ban sa mga bansa na may kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19).
Paliwanag ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe, napatunayan na nila sa mga nakalipas na outbreak ng sakit o virus na hindi epektibo ang pagpapairal ng travel restriction para matiyak na hindi kakalat ang virus.
Bukod dito, nagdudulot din aniya ng social at economic destruction ang pagpapairal ng travel restriction.
Gayunman, bagama’t, hindi pabor ang WHO sa pagpapatupad ng travel ban, hindi naman umano sila makikialam anuman ang maging desisyon ng isang bansa.
Sa ngayon, may umiiral na travel ban ang Pilipinas sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.
Samantala, inaangalan naman ng ilang mambabatas ang pinaiiral na travel ban sa Taiwan ngunit, hindi naman ito maipatupad sa Singapore.
Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante, aabot lamang sa 18 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taiwan na mas mababa kumpara sa mahigit 40 kaso sa Singapore.
Naniniwala umano si Abante na pabor pa rin sa China ang hindi pagpapatupad ng travel ban sa Singapore dahil dumaraan sa naturang bansa ang mga shipment mula sa China patungong Pilipinas.





Comments