Sori na lang, ABS-CBN, wala raw kapa-kapamilya… Sigaw ni Robin: Kapag lumabag ka sa batas, dapat kan
Nitz Miralles / Bida

Dahil sa post ni Robin Padilla sa Instagram (IG) account niyang: “No man is above the law and no man is below it,” at Facebook post na “Sana ay manaig ang batas,” patungkol sa isyung renewal ng franchise ng ABS-CBN, gayundin ang sinabi niyang walang dapat kilingan ang batas, mayaman man o mahirap, naakusahan siyang inilaglag ang kanyang network.
Sagot naman ni Robin sa akusasyon sa kanya: “God is great!!! Sabi ng mga netizens, inilaglag ko raw ang network ko, wow! Mga kababayan, kahit na sino, kahit kaibigan ko, kapatid ko, kapamilya ko at kamag-anak ko, kapag lumabag ka sa batas, dapat kang magbayad sa batas dahil ako, nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng kulungan/piitan/bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano ba’ng ikinatatakot natin para sa ABS-CBN? May pagkakasala ba talaga sila sa batas?
“Ako ay may tiwala sa BATAS dahil naranasan ko ang talim at lambing ng BATAS sa buhay ko kaya ko sinasabi na dapat umiral ang BATAS dahil ang batas ang proteksiyon ng lahat ng Pilipino, mayaman man o mahirap. No one is above the law under it kaya kung wala silang kasalanan, it will be their glory and pride so let them fight it in our courts. Let the truth prevail. ‘Wag tayong maging spoiler. Parang teleserye lang ‘yan na pinanonood ninyo. Abangan ninyo ang mga revelation. Ayaw n’yo bang malaman ang katotohanan?
“Inalis ko na rin ang mga posts ko kahapon sa Instagram at FB about the legal issue of ABS-CBN, not the franchise issue, bilang respeto ko sa asawa ko na si Mariel. She said to me I’m a Kapamilya forever at sinabihan din ako ni Kuya Ipe Salvador na mag-relax at tumahimik dahil walang alam si Mayor PRRD sa hakbang ng Sol.Gen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality.
“Peace be with you all. May the wisdom and blessings of our only God be with those who are neglected weak and poor in shaa Allah.”
Close kasi si Robin kay President Rodrigo Duterte kaya mas naging big deal sa mga netizens ang FB at IG posts ng aktor.
Dinelete ni Robin ang IG post niya, pero ‘yung FB post, nandu’n pa rin.





Comments