Nagpanggap na buyer.. Pulis, todas sa tulak

Napatay ang pulis sa Cebu City makaraang mabaril sa gitna ng ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PNP Chief General Archie Gamboa ang biktimang si Police Master Sergeant Maximo Dayanan Macua, Jr., miyembro ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group sa Central Visayas.
Alas-5:44 ng hapon nang isagawa ang operasyon ng mga awtoridad sa Tabada Street sa Bgy. Mambaling. Sa gitna ng pagpapanggap ng pulis bilang buyer ng ilegal na droga ay binaril siya ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.
“‘Yun nag-pursue sila ng buy-bust operation, tinamaan siya. Ito ‘yung problema namin kasi siyempre when you act as a poseur-buyer you are not protected,” ani Gamboa.
Bagama’t, naisugod sa Miller Hospital, hindi na rin umabot ng buhay ang pulis. Patuloy nang tinutugis ang mga suspek sa pagpatay kay Macua.





Comments