top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mabagal na pensiyon, iimbestigahan

V. Reyes
Feb 13, 2020
1 min read

Pagpapaliwanagin sa Kamara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kabagalan umano ng pagbibigay ng buwanang pensiyon sa mga nakatatanda o senior citizen.

Inihain ni Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol ang House Resolution 656 upang alamin ang dahilan ng naaantalang pensiyon at kung paano maisasaayos ang sistema nang hindi na mabitin ang mga nakatatanda sa pagtanggap ng P500 pensiyon kada buwan.

Aabot aniya sa mahigit 3.7 milyong mahihirap na senior citizens ang naghihintay pa rin na makuha ang kanilang biyaya mula noong nakaraang taon. Sa kabila ito ng P23 bilyong alokasyon sa 2019 National Budget para sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens.

Giit ni Datol, may sapat na panahon naman ang DSWD para naipamahagi na sana ang pensiyon ng mga mahihirap na nakatatanda ngunit, hindi pa rin ito nagagawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page