Tumulong sa nasusunugan, sign na dapat ilabas ang tapang para mailigtas ang sarili at kapwa
- Socrates Magnus
- Feb 12, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Evemars ng Evanmars_Velle@face-book.com
Dear Professor, Nanaginip ako na nasusunog ang market namin sa Batangas. Ang laki ng apoy, natakot ako, pero bigla rin akong tumapang at tinulungan ko ‘yung mga tindera para makatakas sila sa apoy. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Evemars
Sa iyo Evemars, Bawat tao ay may hero within at sa panaginip mo, makikitang ang pagiging bayani ay ipinamalas mo. Gayundin, ang iyong panaginip ay isang inspirasyon sa sarili mong buhay na kapag ikaw ay nanganganib, maililigtas mo ang iyong sarili kaya hindi lang mga tao ang iyong puwedeng tulungan dahil ang sarili mo ay matutulungan mo rin.
Gayunman, bilang pagtatapat sa iyo, ang ganitong mga panaginip ay napapanaginipan ng mga taong mahina ang loob at takot na makipagsapalaran sa buhay.
At kaya mo ito napanaginipan ay dahil ipinaaalala sa iyo ng iyong panaginip na may tapang ka sa iyong katawan na kailangang mailabas sa mga panahon na kailangan mong maging matapang.
Kailangan mong maging matapang para sa sarili mong kapakanan at para sa mga kapwa mo tao.
Ang karuwagan ay walang mabuting bagay na maitutulong sa tao dahil ang kahinaan ng loob ay hadlang din sa tagumpay.
Gayundin, ang ayaw tumulong sa kapwa ay hindi makatatanggap ng tulong mula sa langit.
Huwag na huwag mong kalilimutan ang mga ito habang ikaw ay nabubuhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments