Kelot hinataw ng kahoy, patay
- Levi Gonzales
- Feb 12, 2020
- 1 min read

Dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki matapos hatawin ng kahoy sa ulo sa Bgy. Poblacion, Biñan City, Laguna.
Pasado alas-7:00 ng umaga, nasa loob ng pamilihang lungsod at natutulog ang biktimang si Domingo Rosario, nang tabihan siya ng hindi pa nakikilalang lalaking suspek.
Agad siyang hinataw ng dos-por-dos sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay.
Patuloy na pinaghahanap ang salarin na posible umanong pagnanakaw ang motibo sa krimen.





Comments