top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit may ASF outbreak.. Suplay ng karneng baboy, sapat — DA

V. Reyes
Feb 12, 2020
1 min read

Tinitiyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng karne ng baboy at pork products sa kabila ng outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa Davao Occidental.

Ikinatwiran ni Agriculture Secretary William Dar na aabot lamang sa 1.7% ng 12.7 milyong populasyon ng baboy sa buong bansa ang apektado ng ASF.

Mula aniya sa 216,000 na pinatay na baboy, nasa 13% lamang ang may sakit. Ngunit, dahil sa protocol na 1-7-10, kinailangang idamay ang bawat baboy na nasa loob ng one-kilometer radius ng apektadong baboy.

Naninindigan si Dar na ang pagpapakain ng kaning-baboy ang pangunahing sanhi ng outbreak. Gayunman, hindi pa rin tukoy ang pinagmulan ng ASF sa bansa bagamat, naniniwala si Dar na posibleng galing ito sa mga puslit na pork product at food waste mula sa mga pantalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page