top of page
Pokwang.jpg

China, hindi aatake sa ‘Pinas — P-Du30

Mylene Alfonso
Feb 12, 2020
1 min read

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang gagawing pag-atake ang China laban sa Pilipinas kapag tuluyang ibinasura ng bansa ang VFA.

Ayon sa Pangulo, hindi sasaktan at papatulan ng China ang Pilipinas basta siguraduhin lamang na walang gagawing masama ang bansa laban sa kanila.

Wala rin problema sa Pangulo kahit na maligo pa si Chinese President Xi Jinping sa Palawan.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Duterte na naiintindihan niya ang sentimyento ng ilang cabinet officials na tutol na ibasura ang VFA.

Aniya, nagsipagtapos kasi sa Philippine Military Academy (PMA) ang ilang cabinet officials at nakapag-training sa Amerika kaya hindi maiwasan na kumiling sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page