top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

26-anyos kulong sa abortion

  • Maeng Santos
  • Feb 12, 2020
  • 1 min read

Isang 26-anyos na babae ang arestado matapos umanong magsagawa ng sariling abortion makaraang isugod sa ospital dahil sa patuloy na pagdurugo sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Inatasan ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang kanyang mga tauhan na bantayan si Carmela Dawn Parane, ng Bgy. Daanghari sa Navotas City Hospital matapos madiskubre ng attending doctor na nagsagawa ito ng sariling abortion.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P/SMSgt. Aurelito Galvez ng Navotas Police Station Investigation Division (SID), alas-4:30 ng hapon nang isugod si Parane ng kanyang mga kaanak sa Navotas City Hospital matapos itong magsimulang duguin.

Nang suriin ni obstetrician Dr. Roxanne Lopez si Parane, natuklasan ang nalalabing hindi pa matukoy na pills sa kanyang maselang bahagi ng katawan na naging dahilan upang humingi ng tulong sa pulisya ang Navotas City Hospital Social Worker na si Rose Mae Bermejo. Ayon kay Col. Balasabas, kakasuhan ng paglabag sa Article 258 o ang Abortion practice by a woman herself or by her parents si Parane sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page