top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Suwerte raw ngayong 2020, pero… Kathniel, pinag-iingat sa car accident

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 11, 2020
  • 1 min read

Perfect for each other at match na match daw ang Kath­Niel love team at mas lalakas pa nang husto ang kanilang tandem ngayong 2020. Pero, ka­hit na super in love sa isa’t isa, wala pa sa plano nila ang magpakasal in the next two years.

Ayon na rin kina Maestro Honorio Ong at Señor Soc­rates Magnus III, si Kathryn Bernardo na may zodiac sign na Aries ay mas focused sa kanyang career at hindi love life ang priority. Goal niya ang magkaroon ng matatag na buhay kaya uunahin niya ang pag-iipon at pag-i-invest sa mga properties at pagpapalago ng kan­yang mga negosyo.

Samantala, ang boyfriend niyang si Daniel, mas maha­laga ang pagkakaroon ng mata­tag, buo at masayang pamilya. Ka­pag naging stable na siya financially, doon na niya papla­nuhin ang pag-aasawa.

Pero, walang dapat na ipa­ngamba ang KathNiel fans dahil hindi sa taong 2021 magaganap ang pagpapakasal nina Kathryn at Daniel. Sa taong 2025 pa raw ang best year upang sila ay mag-settle down. At that time, pareho na silang mature at ready na sa kanilang responsibilities, kaya puspusan munang hahataw ang kani-kanilang career at mag­pa­patuloy ang kanilang pagsikat hanggang sa year 2025.

Samantala, pinag-iingat din sina Kathryn at Daniel sa maa­aring maganap na car accident. Umiwas daw sila sa mga sasak­yang may plate number na 8 o ‘yung bumubuo ng numerong 8 tulad ng 44, 53 at 62 o 26.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page