Nanay at BF nag-away sa pera.. 2 yrs. old pinatay, sinunog

Kalaboso ang magsasaka na pinaniniwalaang pumatay sa 2-anyos na anak ng kanyang karelasyon sa Lanao del Norte.
Sunog ang katawan ng biktimang si Romnick Balde nang matagpuan sa damuhan sa Bgy. Segapod, Maigo sa nasabing lalawigan.
Agad namang nasukol ang suspek na si Florencio Curay, boyfriend ng nanay ng bata na nakilalang si Janet Balde.
Batay sa paunang impormasyon mula kay Police Lieutenant Baltazar Deguilmo, officer-in-charge ng Maigo Municipal Police Station, nagtalo ang suspek at ang ina ng paslit dahil sa nawawalang pera.
Kinaladkad umano ng suspek ang mag-ina pero, nakatakas ang nanay para humingi ng saklolo.
Nang bumalik ang babae ay wala na sa bahay ang anak at ang kinakasama hanggang sa matagpuan sa nasunog na damuhan ang walang buhay nitong anak.
Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.





Comments