Nagkasalpukan.. 3 estudyante pinagbabaril ng nakamotor

Tatlong estudyante ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagbabarilin ng kanilang nakasalpukang motorsiklo sa Bgy. Mangilag Norte, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Arnold Estolano, 19; Kien Ivan delos Reyes, 18, at kasama pang 14-anyos na binatilyo.
Batay sa report, sakay ng motorsiklo ang mga biktima kung saan dalawa sa kanila ang angkas nito at habang tinatahak ang kahabaan ng Maryland Subd. nang biglang sumalpok sa kanila ang isa pang motorsiklo.
Nagalit umano ang suspek na si Ladislao Tubo, 44, at angkas nitong hindi pa nakikilala.
Isa sa mga ito ang kumuha ng cal. .45 saka pinagbabaril ang mga biktima bago nagsitakas.
Dali-dali naman silang dinala sa pagamutan habang nagpapatuloy ang pagtugis sa mga suspek.





Comments