top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Judoka Watanabe, may t'sansa sa Olympics qualifying slot

  • Gerard Arce
  • Feb 11, 2020
  • 2 min read

Malaki ang tsansa na makakuha ng direktang qualifying slot para sa 2020 Summer Olympics si 4-time Southeast Asian Games gold medalist Kiyomi Watanabe na kasalukuyan pa ring lumalaban para sa pinal na listahan ng official ranking ng International Judo Federation (IJF), ang pandaigdigang governing body nito.

Inilahad ni Philippine Judo Federation (PJF) president Dave Carter na aantayin na lang nila ang huling araw ng deklarasyon ng IJF na magtatapos sa Mayo 30, para matiyak ang eksaktong posisyon ng Filipino-Japanese Judoka para sa qualifying slot sa quadrennial meet na nakatakdang magsimula sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Idinagdag pa ni Carter na pumupuwesto ngayon ang 2018 Jakarta-Palembang Asian Games silver medalist sa ika-28th-31st sa rankings sa Olympic Games. Ngunit, maaaring magbago ito ng malaki sakaling tanggalin na ang mga ibang bansa na may dalawa o tatlong entry sa rankings, dahil tanging isa lang kada bansa ang nakatakdang mapasama sa Olympiad.

Mayroong mga sobrang manlalaro mula Japan, Slovakia, China, Great Britain, Brazil at Austria ang hindi pa natatanggal sa pinal na listahan sa Olympic ranking.

“We have to keep in mind sa Olympics isang player lamang sa isang category kada bansa ang pwedeng mailagay, so we’re looking na papasok si Kiyomi as direct qualifier,” pahayag ni Carter sa panayam ng BULGAR.

Kasalukuyang may hawak na Continental Quota ang 30th edisyon SEAG champion para sa Asya na patuloy pa ring lumalahok sa mga pandaigdigang kompetisyon gaya ng Dusseldorf GS (Feb 21-23), Rabat GP (Mar. 6-8), Ekaterinburg GS (Mar 13-15), Tbilisi GP (Mar 27-29), Antalya (April 3-5), Baku GS (May 8-10) at Doha Masters (May 28-30). “Of course she still needs to participate and, if ever win any international competitions, siyempre may inaalagaan din siyang rankings,” wika ni Carter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page