top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isinilang sa year of the water Rat, sisiraan at pababagsakin ng mga inggitero pero magtatagumpay pa

Maestro Honorio Ong
Feb 11, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng Chinese Astrology Forecast 2020, ang tatalakayin natin ngayon ay mga may Water Rat sign, kung ano ang kapalarang magaganap sa inyong buhay ngayong 2020.

Tandaang may limang klase ang Rat ayon sa taglay niyang elemento. Noong nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang Metal Rat (silang mga isinilang noong 1960) at Wood Rat (silang mga isinilang noong 1924 at 1984).

Sa pagkakataong ito, Water Rat o Tubig na Daga ang tatalakayin natin upang ang pag-aanalisang ito ay maging gabay kung paano n’yo makakamit ang tagumpay at wagas na ligaya sa buong taon.

Kung ikaw ay isinilang noong 1972, partikular mula sa ika-15 ng Pebrero, 1972 hanggang ika-2 ng Pebrero, 1973, ikaw ay tatawaging Water Rat o Tubig na Daga. Ganito ang tinatayang magiging kapalaran mo ngayong 2020.

Bagama’t, iniisip at inaakala mong hindi ka na tinakasan pa ng mga problema, lalo na noong mga nagdaang taon, partikular sa pamilya, may mabuting balita sa iyo ang 2020. Ang ibinabalita ay ganito, ang taong ito ng 2020 ay magsisilbing simula ng suwerte sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Oo, sa ika-48 mong edad kung saan bago ka mag-50, ngayon pa lang ay bumubuwelo na ang pagdating ng mas maraming magagandang kapalaran sa iyong buhay.

Tulad ng nasabi na, magsisimula na ang pagdating ng magagandang kapalaran hindi lang sa larangan ng materyal na bagay kundi damay na rin ang aspetong pangdamdamin, pakikipagrelasyon at pag-ibig.

Ibig sabihin, ito ang taon upang magsimulang muli at sa pagsisimula, tiyakin mong mapagbubuti mo na nang higit ang bawat araw, sitwasyon at oportunidad na sasalubong sa iyo dahil sa mahusay na pagdedesisyon, agad na susunod ang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taon.

Ang isa pang mabuting balita mula sa langit ay nagsasabing mananatili sa iyong kapalaran ang magandang career at hanapbuhay.

Bukod sa magandang career at hanapbuhay, marami ring tutulong sa iyong malalaki at maliliit na tao, kaya lalong uunlad ang halos lahat ng aspeto ng iyong buhay, lalo na sa pananalapi, pamomolitika at pamumuno.

Gayundin, ang mga biyaya na darating sa iyo ay itatalang sobra at napakarami kung saan dapat namang ipagpatuloy mo ang pagtulong sa mga nangangailangan at kapus-palad upang lalo ka pang suwertehin at magtamo ng marami pang mga biyaya sa buong 2020.

Dahil maraming tutulong sa iyo, halos lahat ng hinahangad mo sa buhay ay unti-unti nang matutupad at magkakatotoo.

Ang problema lang at babala, sinasabing ngayong 2020, maraming maninira at iintriga sa iyo nang palihim. Hahangarin nila ang iyong pagbagsak at pagkabigo, ngunit mananatili silang puro paghahangad lamang dahil hindi sila magtatagumpay.

Ito ay dahil langit mismo ang gagabay at papatnubay sa iyo, kaya silang mga naghahangad ng iyong ikapapahamak ang isa-isa at biglang mamalasin.

Kaya kapag nakaramdam ka ng ganyang sitwasyon, ‘yun bang napapansin mong maraming naninira at nang-iintriga sa iyo, ang mas maganda ay lalo mo pang pag-alabin nang husto ang iyong sipag at tiyaga at dapat ding nananampalataya ka sa iyong sariling kakayahan na magagawa mo ang lahat at ibibigay ang iyong best sa buong taon.

Bukod sa sipag at kumpiyansa sa sarili, mahalaga rin ang madalas na pagdarasal at pakikipagkuwentuhan sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan dahil inuutos sa iyo ng langit na sa kanila ka humingi ng payo, gayundin, humingi ka rin sa kanila ng bagay na yari sa metal na magsisilbing pantaboy mo sa mga negatibong enerhiya na nagtatangkang dumating sa iyo na maaaring humadlang sa iyong malaking tagumpay at wagas na kaligayahan.

Sa pag-ibig, tuloy ang “ups and downs” na sitwasyon at pabagu-bagong lagay ng damdamin, maliban na lang kung ipauubaya mong muli sa iyong minamahal ang lahat ng mga pangyayari at pagpapasya.

Pero siyempre, i-monitor mo nang mabuti ang mga ginagawa niya dahil baka iniisahan at pinaglalalangan ka na naman niya tulad ng dati.

Maging maingat at mas mainam ang dahan-dahang pagdedesisyon upang hindi magkamali, kaysa sa marahas at biglaang pagpapasya na palagi namang sablay at sa kalungkutan lang nauuwi.

Mapalad mong mga kulay ang blue, yellow, gold at green. Kahit anong uri ng “lilies” ang magsisilbing pampasuwerte mong halaman o bulaklak na dapat ipaligid sa iyong silid, opisina o business site.

Buwenas naman ang mga petsang 1, 6, 11, 27 at 28 sa bawat panahong papabilog at papalaki ang buwan. Sa mga panahon at petsang nabanggit, maaari ka ring magsimula ng bagong business o anumang uri ng pangangalakal na maiisip mo, higit lalo sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto at Oktubre hanggang Disyembre, partikular sa mga araw ng Lunes, Huwebes at Linggo.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page