top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Pebrero 11, 2020 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Feb 11, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2020 (Martes): Mapa­bibilang ka sa mga iilan na kung tawagin ay pinag­pala. Gayunman, ikaw ay pinapayuhan pa rin na maging masinop sa iyong mga biyaya.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbawas ka ng mga akti­bidad nang sa gayun ay hindi ka masya­dong mahirapan. Kapag maginhawa ang tao at siya ay nakapagpa­pahinga, nakaiisip siya ng mas ma­gagandang ideya. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-29-34-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bigyan mo ng saya ang iyong sarili dahil mas magandang ma­mas­yal ka­sama ang ilang ma­la­lapit sa iyo. Ito na ang pag­ka­kataon mo na ma­ging ma­saya sa piling nila. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang mga nau­nang plano mo dahil hindi na kailangang bumuo ka pa ng bago. Sa mga unang plano, may ma­lalaking pakinabang na nag­hihintay sa iyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-17-20-25-33.

CANCER (June 21-July 22) - Pakikipagka­ibigan ang ibi­na­balita ng araw na ito sa iyo. Bigyan mo ng halaga ang mga kaibigan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-22-27-35-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­aasahan mo ang mga tunay na kaibigan, kaya hindi ka nag-iisa. May mga puwedeng umalalay sa iyo at handang samahan ka sa mga laban mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-28-29-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang masyadong nag-iisip ng kung anu-ano. Mas magandang ikilos mo ang katawan mo dahil sa pagkilos, ang isip ay hindi gaanong gumagana. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-28-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun mismo ang iyong piliin. Ang tao ay nasa mundo hindi para mag­hirap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-23-27-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinaba­lita ng araw na ito na ang mga li­him na humahanga sa iyo ay magsisilantad na at han­da nang alayan ka ng es­pesyal na pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-1-4-16-22-26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag­han­da ka dahil may mga papara­ting na malalaking suwerte sa buhay mo. Ang pagha­handa ay ang inaalis ang mga kahi­naan at kapin­ta­san ng hindi masayang ang mga biyaya. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-22-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibahagi mo sa iba ang ayaw mo nang gamitin pero naging pabo­rito mo. Malaki ang maga­gawa nito sa iyong pagbi­big­yan da­hil magsisilbing pampasu­werte nila ang mga ito. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-13-15-25-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi na­nanatili ang ha­­ngin sa isang ba­gay dahil ang saya ay naku­kuha sa paiba-iba ng paki­ki­pagsapalaran. Ipinapayo sa iyo na lakasan mo ang loob mo at makipagsapa­la­ran ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-11-19-20-21-24.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Damahin mo ang ligaya na nasa puso mo dahil hindi maganda na ang hinaharap mo ang mga ba­gay na magbibigay sa iyo ng lungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-29-30-33.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page