top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 pang Pinoy sa Japan cruise ship, positibo sa nCoV

  • Gina Pleñago
  • Feb 11, 2020
  • 1 min read

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na apat pang Pilipinong sakay ng Diamond Princess Cruise Ship ang nagpositibo sa nCoV.

Ang apat na Pinoy na kapwa mga crew member ay kabilang sa anim na bagong kumpirmadong kaso ng nCoV mula nang dumaong ang Diamond Princess sa Port of Yokohama sa Japan noong Pebrero 4.

Sa ngayon, limang Pinoy na sakay sa naturang barko ang kumpirmadong may nCoV at ginagamot na sa mga ospital sa Japan.

Nabatid na nasa 538 ang bilang ng mga Pinoy na nakasakay sa nasabing barko.

Naisailalim na rin sa quarantine ang naturang barko matapos matuklasan na isang pasahero ang nagpositibo sa nCoV galing Hong Kong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page