top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

UAAP-UST, nakaunang panalo sa Collegiate Challenge Cup

A. Servinio
Feb 10, 2020
1 min read

Photo: tiebreakertimes

Nakuha ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang unang panalo sa NCAA-UAAP Challenge sa FilOil Flying V Centre Sabado ng hapon matapos durugin ng University of Santo Tomas ang kampeon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Colegio de San Juan de Letran, 95-65. Nagawa lang lumamang ng 3-2 ang Knights sa tres ni Allen Mina subalit sinagot ito agad ng tres ni CJ Cansino na sinundan ng mga buslo nina Soulemane Chabi Yo at Dave Ando at hindi na nakaporma ang Knights.

Lamang lang ang UST ng anim sa kalagitnaan ng second quarter, 33-27, at bigla nilang binuhos ang 17 sunod-sunod na puntos para lumayo ng tuluyan bago mag-halftime, 50-27. Lumobo hanggang 39 ang lamang ng Tigers, 85-46, sa tres ni Jamba Garing na may 6:47 nalalabi. Nanguna para sa UST si Cansino na may 13 puntos sa loob ng 11 minuto habang may 12 puntos at 10 rebound ang UAAP MVP Chabi Yo. Nagdagdag ng 11 puntos si Ferdinand Asuncion para pangunahan ang mga reserba. Parehong gumawa ng 12 puntos para sa Letran sina Kurt Reyson at Paolo Javillonar. Nag-ambag ng 10 puntos at limang assist si Fran Yu.

Sa pangalawang laro, tagumpay ang Ateneo de Manila University sa San Beda University, 83-69. Matatandaan na pinanalo ng Blue Eagles sa lahat ng kanilang 16 na laro upang mauwi ang tropeo ng 82nd UAAP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page