top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UAAP '82 Volleyball, Inaabangan ng fans

VA
Feb 10, 2020
1 min read

Umaatikabong mga laban ang inaasahang matutunghayan ng mga panatikong volleyball fans lalo na ng die hard UAAP fol­lowers sa darating na pagbu­bukas ng UAAP Season 82 Volleyball Tournament.

Para sa mismong opening day na magaganap sa susunod na Sabado-Pebrero 15 nakatakdang magtunggali ang nakaraang Season 81 run­ner-up University of Santo Tomas at Far Eastern University ganap na alas-3:30 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Mauuna rito, maghaha­rap sa pambungad na laban ganap na alas-10:30 ng uma­ga ang University of the East at University of the Philippines.

Magpapatuloy ang aksi­yon kinabukasan - Pebrero 16 kung saan tampok ang inaabangang tapatan ng defending champion Ateneo de Manila University at ang kanilang archrival De La Salle University ganap na alas-3:30 ng hapon pagkatapos ng bakbakan ng Adamson University at National University ganap na alas-10:30 ng umaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page