P-Du30, problemado na sa nCoV.. P133 bilyon malulugi sa ‘Pinas

Nangangamba umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging epekto ng nCoV outbreak sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, gumagawa na ng paraan ang administrasyon para matugunan ang naturang problema.
“Alam mo lahat tayo sa buong mundo na apektado, ganyan ang resulta, kaya nga ginawan na ng paraan, lahat ng klaseng protocols in-implement,” sabi pa ni Panelo.
Matatandaang, inihayag ni Socio-economic planning Secretary Ernesto Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawawala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa coronavirus ng hanggang Disyembre.
Sa pinakahuling talaan ng health officials sa China, umabot na sa mahigit 800 ang nasawi dahil sa coronavirus.





Comments