Mga baboy sa kalinga, positibo na rin sa ASF
- V. Reyes
- Feb 10, 2020
- 1 min read

Damay na rin sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) ang iba pang lalawigan sa Luzon.
Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang naitalang mga kaso ng ASF sa Kalinga matapos na makumpirma ang virus sa isinagawang pagsusuri sa ilang alagang baboy.
Partikular na apektado ng ASF sa Kalinga ang mga bayan ng Tanudan, Bulanao at Tabuk. Nauna nang naiulat ang kumpirmadong mga kaso ng ASF sa ilang mga bayan ng Benguet kaya may lockdown na ng pagpapasok ng baboy sa lalawigan.
Ipinasara na rin ang isang auction market sa bayan ng Sulop sa Davao del Sur dahil sa panibagong mga kaso ng ASF na naitala sa lalawigan.
Kaugnay nito, inatasan ni Agriculture Secretary William Dar ang Bureau of Animal Industry (BAI), regional offices ng DA at mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng ASF.
Sinabi pa ni Dar na batay sa tracing analysis, nagmula ang outbreak nang mapakain ng kaning-baboy ang mga alagang hayop.





Comments