top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isang buwan matapos sumabog.. Bulkang Taal, nag-aalburoto pa rin

V. Reyes
Feb 10, 2020
1 min read

Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal makalipas ang isang buwan nang sumabog ito at itinaas ang Alert Level 4.

Ayon sa ipinalabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology (PHIVOLCS), naitala ang katamtamang dami ng pagbuga ng abo ng hanggang 300 metro.

Naobserbahan din ng mga volcanologist ng Phivolcs ang 10 hanggang 20 metro na pagbuga ng usok o steam mula sa mga bitak sa Daang Kastila Trail sa Taal Volcano Island.

Noong Sabado, naitala ang 116 tonnes kada araw na pagbuga ng sulfure dioxide o asupre mula sa Bulkang Taal. Batay sa monitoring ng Taal Volcano Network, may 115 volcanic earthquakes ang naitala sa nakalipas na 24 oras.

Ibig sabihin nito ay may posibilidad na gumagalaw ang magma sa ilalim ng bulkan at may panganib ng panibagong pagsabog.

Kasabay nito, muling nag-abiso ang Phivolcs sa publiko na umiwas na bumalik sa 7-kilometer radius lalo na at nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa kasalukuyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page