Horoscope | Pebrero 10, 2020 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 10, 2020 (Lunes): Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran at tiyak ang iyong panalo. Ambisyunin mo ang yumaman at tiyak na ikaw ay yayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa iyo mapatutunayan na ang malakas ang loob ay nagtatagumpay. Magiging huwaran ka ng marami dahil sa lakas ng loob na iyong ipakikita na magiging dahilan ng iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-26-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para tutukan ang iyong pinagkakakitaan. Malayo ang iyong mararating na ang ibig sabihin, ang pag-unlad ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Darami ang kabuhayan mo at mapabibilis pa ang paglago kapag hindi ka nalibang sa mga aktibidad na sa totoo lang ay pag-aaksaya lang ng oras at salapi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-20-25-36.
CANCER (June 21-July 22) - Harapin mo ang mga lantarang naiinggit sa iyo, pero ang pagharap mo ay hindi para awayin sila kundi para pakitaan mo sila ng kabaitan at pagpapakumbaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-21-27-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suriin mo ang iyong sarili kung may pagkukulang ka sa isang tao at gawan mo ng paraang mawala ang pagiging malamig niya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-20-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mabibigong muli kapag ngayon mo na ginawa ang mga hindi mo nagawa noon dahil ikaw ay pinanghinaan ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-15-29-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay marunong umunawa ng kapwa kaya alisin mo ang pag-aalala mo na baka hindi ka maunawaan ng malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-22-28-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw na darating ay para sa iyo pa rin. Walang magagawa ang mga lihim at lantad mong kaaway para sirain ang iyong araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-17-20-21-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahalagahan mo ngayon ang pag-iipon. Isinasabuhay ng mga langgam ang ganitong magandang susi ng pagpapatatag ng kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-19-25-26-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tularan mo ang mga nagtagumpay na at makatitiyak ka na ikaw ay mapabibilang sa kanila. Huwag mong tularan ang mga taong bigo sa buhay na nasa tabi mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-14-23-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang gaanong seryoso sa buhay mo. Mas sinusuwerte ka kapag ang buhay mo ay pakikipaglaro lang sa mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang lihim ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bilangin mo ang mga biyayang napasaiyo. Bilangin mo rin ang iyong mga kabiguan at makikita mong mas lamang ang una. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang lalo kang pagpalain. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-21-22-27-45.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments