Dagdag-pondo laban sa nCoV at kalamidad.. Negosyanteng malalapit kay P-Du30 na may utang sa gobyerno
- BRT
- Feb 10, 2020
- 1 min read

Sa harap ng ginagawang pagbusisi sa mga ‘onerous contract’ na pinasok ng gobyerno sa mga nakaraang administrasyon, hinamon ng Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at pagbayarin din ang mga negosyanteng malapit sa kanya na may malaking pagkakautang sa pamahalaan.
Ayon kina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate, makikita lamang ang sinseridad ng administrasyon sa paghabol sa mga tiwali kung maging ang mga malalapit dito ay pagbabayarin.
Ani Colmenares, kung naghahanap ng pondo ang gobyerno para tustusan ang pangangailangan, lalo na sa pagharap sa banta sa kalusugan tulad ng nCoV at dagdag-pondo para sa kalamidad tulad ng pagsabog ng Bulkang Taal ay maaaring simulan ito sa paniningil sa mga may utang sa gobyerno.
Tinukoy ng Bayan Muna ang Independent Power Producer Administrators (IPPAs) at electric cooperatives na may utang umano sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) na umaabot sa P59.23-B hanggang noong December 2018.
Sa report ng PSALM sa Department of Finance (DOF) ay tinukoy nito ang South Premiere Power Corp (SPPC), subsidiary ng San Miguel Corp. na pagmamay-ari ng negosyanteng si Ramon Ang, na nangangasiwa sa 1,200 megawatts Ilijan gas-fired power plant sa Batangas City na umano’y may pinakamalaking utang na aabot sa P19.75-B.





Comments