top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

World sports, damay na sa nCoV epidemic

MC
Feb 9, 2020
2 min read

Natipon na ang mga listahan ng mga international sports events na apektado ngayon ng coronavirus na halos kumitil na ng may 724 katao at nakaapekto na sa may 34,956 sa China matapos na kumalat ang virus sa Wuhan, Hubei province noong Disyembre 2019.

Nakansela na ang World Athletics Indoor Championships na nakaiskedyul sa Nanjing mula Marso 13-15 hanggang 2021. Nakikipag-usap na ang World Athletics sa organizers hinggil sa hosting ng biennial event sa 2021.

Kanselado ang Asian Athletics Association sa Peb. 12-13 na indoor championships sa Hangzhou. Ayon sa nasiping iskedyul nina Shrivathsa Sridhar at Rohith Nair sa Bengaluru; Peter Rutherford at Toby Davis, kanselado na rin ang Asian Champions League matches na lalahukan ng Chinese Clubs Guangzhou Evergrande, Shanghai Shenhua at Shanghai SIPG.

Maging ang iba pang kompetisyon sa Guangzhou at Shanghai sa Abril ay kanselado. Umatras ang Sydney FC sa matches sa China. Inilipat sa Australia ang four-team women’s Olympic qualifying tournament na lalahukan ng China, Australia, Taiwan at Thailand mula sa Wuhan ng AFC. Ipinagbawal na rin ng Vietnam ang mag-host ng sporting events ng Pebrero, lalo na sa football ay nakatakda pa namang maglaro roon ang Ceres Negros sa Peb. 25.

Wala na ring football games sa loob ng China. Inabandona na rin ng All-electric Formula E motor racing series ang plano sa lugar ng Sanya sa Marso 21. Iniurong din ng International Tennis Federation Fed Cup Asia/Oceania Group I na kinabibilangan ng China, Taiwan, Indonesia, South Korea at Uzbekistan ang event na idaraos sana sa Dongguan at ililipat sa Nur-Sultan (dating Astana) sa Kazakhstan. Pero sa huling ulat, umatras ang Kazakhstan.

Postponed din ang Peb. 25-Marso 1 na torneo sa Hainan. Kanselado na rin ang Boxing sa Wuhan kung saan sana lalahok ang ilang Pinoy boxers para sa qualifying ng Olympics at baka ilipat sa Amman, Jordan sa Marso 3.

Iniatras ang International Basketball Federation sa Tokyo at ililipat sa Belgrade. Ililipat din ng ibang petsa ang FIBA Asia Cup 2021 qualifying match sa pagitan ng China at Malaysia. Kanselado na rin ang golf sa elite women’s LPGA tour sa Marso 5-8 sa Hainan. Ililipat ang serye sa Haikou.

Ang hockey pro league ng China at Australia sa Marso 14-15 sa Changzhou ay kinansela na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page