top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Relate much ka ba?.. 5 linyang naririnig sa mga bitter na single ‘pag Valentine’s Day

Justine Daguno
Feb 9, 2020
2 min read

Valentine’s month na ulit! For sure, nagkalat na naman ang kulay pula at si Kupido, gayundin ang heart-shaped cut-outs sa paligid mula sa mga dekorasyon sa opisina, mall at iba pa.

Ang Araw ng mga Puso ay espesyal sa nakararami, lalo na sa mga couples, pero ito ang araw kung kailan lahat ng ka-bitter-an ng single ladies and gents ay naglalabasan. Agree?

Anu-ano ang mga linya na palagi nating naririnig sa kanila? Hmmm…

1. “UNDAS NA BA?” Para sa mga single, kung meron mang “patay” na dapat makatanggap ng bulaklak, ito ay ang feelings sa kanyang ex o faith in love. Well, sa halip na magpaka-bitter, maging masaya tayo kapag nakakikita ng maraming bulaklak at masasayang couples dahil ibig sabihin, meron pa ring true love.

2. “LOLOKOHIN KA RIN N’YAN!” Joke man ito o hindi, gaano mo kakilala ang couple na sinasabihan mo nito? Madalas itong “hugot” ng mga single na kagagaling lang sa break-up, pero ‘wag mong hayaan na ang karanasang ito ang mag-aalis ng positivity sa iyo. Hindi porke hindi nag-work ang past relationship mo ay ganundin ang mangyayari sa iba. ‘Wag ganu’n, besh, dahil ‘ika nga, hindi ito one size fits all.

3. “WALANG FOREVER”. For sure, may na-encounter ka nang sumigaw nito sa Araw ng mga Puso. Kung gusto mo rin itong isigaw ‘pag nakakita ka ng magdyowang nagde-date, please lang, quiet ka na lang. ‘Wag tayong magpaka-bitter sa araw na ito dahil it’s all about love. Ganern!

4. “HAPPY SINGLE AWARENESS DAY.” Dahil tiyak na maraming magdyowang mamamasyal sa malls, parke at kung saan-saan pa, ramdam na ramdam mo ang pagiging single mo. Pero oks lang ‘yun dahil hindi naman ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kasama ang BF/GF dahil puwede mo itong i-celebrate kasama ang iyong friends na single rin, gayundin ang pamilya mo. Oh, ‘di ba, masaya ka pa rin? He-he-he!

5. “KAYA KONG I-DATE ANG SARILI KO.” Lumalabas ang pagka-independent ng mga single tuwing Valentine’s Day para mapaniwala ang kanilang sarili na hindi nila kailangan ng date o partner para maging “special” sa araw na ito. Well, kung gusto mo talagang i-date ang sarili mo, go lang, besh. Treat yourself!

Mga besh, ang Araw ng mga Puso ay hindi exclusive sa mga may dyowa. Sabi nga nila, ito ay celebration din ng iba’t ibang klase ng pagmamahal. Kung single ka, puwede mong i-date ang iyong mga magulang o mag-group date kasama ang iyong mga kaibigan.

Walang dahilan para magpaka-bitter, kaya go na lang at magpaka-happy ngayong Araw ng mga Puso. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page