May travel ban na, mga Chinese, nakalusot pa rin sa Boracay
JOKE LANG BA NG BAGONG NAVY CHIEF ANG SINABI NITONG MAGWAWAGAYWAY SILA NG PHILIPPINE FLAG SA WPS? — Ayon kay Admiral Giovanni Bacordo, newly-appointed Philippine Navy Chief Rear Admiral, palagi niyang paglalayagin sa West Philippine Sea (WPS) ang mga barkong pandigma ng Pilipinas na may dalang bandila natin upang maipakita sa buong mundo na ang karagatang ito ay pag-aari ng ating bansa. ‘Sus, baka “joke” na naman ang sinabi ni Bacordo kasi ganyan din ang sinabi ni P-Duterte noong 2016, magdye-jetski raw siya patungong WPS para itirik sa Spratly Islands ang bandila ng Pilipinas, pero nang maging pangulo na siya, saka niya sinabing “joke” lang daw ang pramis na ito, boom!
***
DAPAT IMBESTIGAHAN NG SENADO ANG PAGDAGSA NG MGA CHINESE SA BORACAY ISLAND! — Kinuwestiyon ni Sen. Joel Villanueva ang napaulat na sa kabila na may travel ban na sa mainland China, Macau at Hong Kong dahil sa isyu ng deadly 2019 nCoV ARD ay nagdagsaan pa rin sa Boracay Island ang mga turistang Chinese.
Aba, dapat imbestigahan ‘yan ng Senado para malaman ng taumbayan kung joke lang ni P-Duterte ang inilabas nitong direktibang travel ban sa buong China, period! *** ISA PA LANG SA ‘PINAS ANG NAMATAY SA 2019 nCoV ARD, PERO SA EJK, ISANG ARAW LANG, APAT AGAD ANG NADEDBOL! — Nitong Huwebes (Feb. 6), apat katao ang nabalitang napatay sa ginawang pamamaril ng mga hindi kilalang armadong salarin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ang mga biktima ay sina Efren Diesto at Eduardo Aduyan, kapwa residente ng Payatas, Quezon City; Jojo Agustin ng Pasay City at isang hindi pa kilalang tricycle driver sa Batasan Hills, QC.
Kung ang mga salarin ay mga miyembro ng “death squad”, aba, mas deadly pala ang EJK kaysa 2019 nCoV, kasi sa virus, isa pa lang ang patay sa bansa, tapos Chinese pa, pero sa EJK, isang araw lang, apat agad ang dedbol sa Metro Manila, ‘kakatakot!
***
KUNG ANG MGA PINOY NA TAGA-ISKUWATER ANG NANDURA SA PARAK, BAKA TEPOK NA ‘YAN! — Isang motoristang Chinese na may dalang shabu ang nakabangga sa mga sasakyan at nandura sa pulis-Maynila na umaresto sa kanya.
Napakasalbahe ng Chinese na ‘yun, mantakin n’yo, nakabangga na nga siya, dinuraan pa niya ang parak na humuli sa kanya.
Masuwerte pa rin ang balahurang Chinese na ito. Malamang, kung Pinoy na taga-iskuwater ang nandura sa parak, baka mabalitaan na lang natin na nanlaban ito kaya napatay, period!





Comments