top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maine at James, out!.. Alden at Nadine, bagong love team

  • Beth Gelena
  • Feb 9, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Pinakikita na sa TV ang commercial na pinagsamahan nina Nadine Lustre at Alden Richards at positibo ang komento ng mga netizens sa kanila. May chemistry umano sila at bagay na pagsamahin sa isang pelikula.

Bukod kay Maine Mendoza, nakakita na raw si Alden ng isa pang ka-love team na babagay sa kanya, kaya puwede na raw sabihing AlDub (Alden at Maine) at JaDine (James Reid at Nadine) are out. AlDine (Alden at Nadine) na ang new love team.

Katunayan, may mga netizens pa na tumatawag sa production companies para ipag-produce ng pelikula ang AlDine.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

“Dalawang nagmahal, parehong nasaktan at sabay bumangon. Stan, king and queen!”

“Movie sana ninyong dalawa… Viva, alam na kung sino ang sunod ha?”

“Bagay sila. Baka sila ang destiny.”

“Movie please? Manonood ang buong family ko. Congrats, ALDINE! Bagay din

kayong dalawa sa movie.”

“Should I say for real, GOODBYE JAMES. Nadine slays on her own.”

Sana nga, may producer na tumaya sa tambalang AlDine at dito natin malalaman kung kaya nitong tapatan ang kinita ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page