top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Show ni Vice, tinalo sa ratings nina Boobay at Super Tekla

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 9, 2020
  • 1 min read

Flattered, pero hindi kampante ang team ng The Boobay and Tekla Show kahit na pinataob at natalo na nila sa ratings ang programang Gandang Gabi Vice.

Mas magiging challenge pa nga kina Boobay at Super Tekla na i-maintain ang mataas na ratings ng TBATS. Dapat na mas pagbutihin pa nila at pagandahin ang mga segments upang hindi magsawa ang mga viewers ng show.

Ilang taon ding namayagpag ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda. Pero dahil wala nang bagong maipakita, medyo lumaylay ang show at naumay na kay Vice ang mga viewers kaya naghanap ng bagong programa ang mga ito at dito pumasok ang The Boobay and Tekla Show (TBATS).

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page