Haharang sa OFWs galing Hubei, China — DILG.. May kalalagyan!

Binalaan ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III ang mga local officials na haharang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na iuuwi mula Hubei, China at ika-quarantine sa Athletes’ Village sa New Clark City, Capas, Tarlac.
“Mayroon po silang kalalagyan niyan, ‘yung mga opisyales na haharang sa kautusan ng ating Pangulo may kaakibat po ‘yan na administrative, baka may criminal side pa ‘yan pagka kanilang hinarang,” ani Densing sa isang panayam. “It’s an order by the President. It was approved by the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) wala hong magagawa ang lokal sa pagpunta o pagka-quarantine natin d’yan by tomorrow,” dagdag pa nito.
Samantala, idinaan naman sa silent protest ng mga residente ng walong barangay sa Capas ang kanilang pagtutol sa paggamit ng Athletes’ Village bilang quarantine site.
Gayunman, tiniyak nilang hindi nila haharangin ang convoy lulan ang mga OFWs papasok ng New Clark City na inaasahan ngayong araw.





Comments